Ilang bagong guidelines ang inilabas ngayon ng Inter-Agency Task Force for the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATF) sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine (GCQ) kaugnay sa COVID-19 pandmeic.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, kabilang dito ang private at public construction ng mga infrastructure projects gaya ng pagtatayo ng mga quarantine at isolation facilities, flood control at iba pang disaster risk and reduction programs, seweareg projects, water service facilities at digital works.
Samantala, inianunsyo rin ni Sec. Roque na sa Lunes ilalabas ng IATF ang desisyon kaugnay sa mga lugar na ilalagay na rin sa GCQ at mananatili sa ECQ.
Inihayag ni Sec. Roque na sa Metro Manila, may mga lugar na ilalagay na sa GCQ habang may mananatili pa sa ECQ depende sa bilang nCOVID-19 positive at kakayahan ng local government unit (LGU) na magbigay ng critical care.