-- Advertisements --

Patuloy pang pinag-aaralan kagawaran ang pagbabalik ng bidding para sa mga locally funded projects, ayon yan kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon.

Aniya, nais nilang tiyakin na magiging maayos ang proseso at hindi na muling maulit ang mga anomalya na nadiskubre sa ilang flood-control projects.

Dagdag pa ng kalihim, makikipag-ugnayan siya sa mga dating kalihim ng DPWH upang makabuo ng mas mahigpit na safeguards bago ipagpatuloy ang bidding. Giit niya, kailangang malinaw at tiyak ang mga panuntunan upang maiwasan ang paglitaw ng parehong mga isyu.

Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon sa mga anomalya, at tiniyak ng kalihim na mahaharap sa kaukulang kaso ang mga mapapatunayang sangkot.