-- Advertisements --

Naglabas ng bagong pandaigdigang gabay ang World Health Organization (WHO), International Federation of Gynecology and Obstetrics (FIGO) at International Confederation of Midwives (ICM) upang mapigilan ang pagkamatay ng mga ina dulot ng postpartum haemorrhage (PPH).

Tinukoy ang PPH bilang labis na pagdurugo matapos manganak, na sanhi ng halos 45,000 pagkamatay kada taon sa buong mundo.

Ayon sa mga eksperto, mahalaga ang maagap na pagkilala at mabilis na paggamot upang mailigtas ang buhay ng libu-libong kababaihan.

Inirekomenda ang paggamit ng MOTIVE bundle na kinabibilangan ng uterine massage, gamot, intravenous fluids, at agarang pagsusuri.

Binago rin ang pamantayan sa diagnosis – mula 500 mL, dapat kumilos na ang mga doktor kapag umabot sa 300 mL ang dugo at may abnormal na vital signs.

Binigyang-diin ang kahalagahan ng prenatal care, lalo na sa mga ina na may anemia, upang maiwasan ang komplikasyon.

Nanawagan ang mga ahensya sa mga pamahalaan na agarang ipatupad ang mga rekomendasyon at mamuhunan sa kalusugan ng mga ina.