-- Advertisements --

Pinasinungalingan ng Manila Police District (MPD) ang mga ulat na mayroong pisikal na pananakit at pangaabuso sa isang person with disability (PWD) na siyang kabilang sa mga naaresto sa naging riot aa Maynila isang linggo na ang nakalilipas.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson at Public Information Office Chief PBGen. Randulf Tuaño, itinanggi ng MPD ang mga naturang paratang.

Imposible umanong mangyari ang mga paratang na ito dahil present umano ang legal counsel o abogado ng mga hinuling indibidwal sa pagsailalim sa mga proseso sa loob ng himpilan.

Kasunod nito, agad naman na iniutos ni Acting PNP Chief PLtGen. Jose Melencio Nartatez Jr. na imbestigahan na ng Internal Affairs Service (IAS) ang naturang akusasyon para mabigyang linaw na ang mga impormasyong ito.

Samantala, sa kasalukuyan ay wala na sa kustodiya ng MPD ang naturang PWD habang 30 na lamang ang hindi pa naisasailalim sa inquest dahil puro mga menor de edad.