Inihayag ng Department of National Defense (DND) at ang Armed Forces of the Philippines na ang Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA sites na itinalaga sa apat na bagong lokasyon ay magpapahusay sa postura ng mga pwersa ng gobyerno laban sa panlabas at panloob na mga banta sa seguridad.
Sa isang pahayag, sinabi ng DND at AFP na ang mga sites kasama ng Estados Unidos ay higit na magpapahusay sa mga kakayahan ng Pilipinas na protektahan ang pambansang interes nito at mag-ambag sa kolektibong pagtatanggol sa rehiyon.
Ayon kay Defense chief Carlito Galvez Jr., ito rin ay magpapalakas sa mga kakayahan at abilidad ng mga militar ng ating bansa.
Idinagdag niya na ang pinalakas na presensya ng AFP sa mga bagong lokasyon ay magbibigay-daan sa mga tropa na mabilis na tumugon sa mga distress calls.
Kabilang na rin na maprotektahan ang mga karapatan at kabuhayan ng mga mangingisda ng bansa.
Una nang inihayag ng Malacañang ang apat na karagdagang pasilidad ng militar ng Pilipinas na bibigyan ng access sa mga pwersa ng US sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement na nilagdaan ng dalawang bansa.