-- Advertisements --

Magdaraos ang Iglesia ni Cristo (INC) ng tatlong (3) araw na rally sa Nobyembre 16 hanggang 18 sa Rizal Park sa Maynila at sa People Power Monument sa Quezon City na may layong igiit ang transparency at accountability sa gobyerno.

Ayon sa ulat, inaprubahan ng National Parks Development Committee ang request ng INC noong Oktubre 30.

Kaugnay nito, magbibigay naman ng ”perimeter support” ang lungsod ng Maynila para sa isasagawang rally kabilang ang 14 na ambulansya at mga tauhan ng Department of Public Service upang bantayan ang paligid at mga vendor.

Ayon sa INC, inaasahan nilang dadalo ang humigit-kumulang 300,000 na miyembro kada araw sa Quezon City. Sinabi pa ng kapilya na magiging mapayapa at maayos ang pagtitipon at nakikipag-ugnayan narin sila sa mga city officials upang matiyak na sumusunod ang rally sa lahat ng regulasyon.

Samantala magbibigay rin ng seguridad ang Manila Police District sa paligid ng Rizal Park.