LAOAG CITY – Kinumpirma ni Dr. Evelyn Tanagon, Bank Officer II at tagapagsalita ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa Batac City, Ilocos Norte, na ilalabas nila sa Disyembre ngayong taon ang bagong disenyo ng P5 coin at ang coin version din ng P20.

Ayon kay Tanagon, marami ang nagrereklamo hinggil sa disensyo ng kasalukuyang P5 barya kaya nag-isip ng ibang disenyo ang BSP.

Aniya, ang bagong disenyo ng P5 coin ay pakurba ang gilid pero hindi pa alam kung mababago pati kulay nito.

Samantala, naisip naman daw ng BSP na gawin ding barya ang P20 bill para mas matagal itong gamitin at ito ay base sa isinagawa nilang survey kamakailan.