CEBU CITY – Nanghinayang ang ilan sa mga nagtitinda ng gulay sa Carbon Public Market sa Lungsod ng Cebu matapos na muling ipinatupad ang enhanced community quarantine (ECQ).

Sa pag-iikot ng Bombo news team, napag-alamang itinapon umano ang ilang mga paninda bunsod ng mahinang benta at halos walang katao-tao sa nasabing palengke.

Isinalaysay ng isa sa mga tindero na malaki ang kanilang pagkalugi dahil wala raw bumibili sa binebenta nilang gulay kaya itinapon na lamang ito.

Lubusang nababahala na rin ang ibang tindero at tindera mula sa malalayong lugar dahil sa kaunti nitong kita mula nang ibinalik sa ECQ ang lungsod.

Sa ngayon, nakabantay ang ilang pulis sa paligid ng Carbon Public Market upang sitahin ang mga quarantine violators.

Base sa datos mula sa Cebu City Health Department, nasa 3,814 na ang kabuuang bilang ng mga nahawaan ng coronavirus at 49% na ang active cases nito.