Arestado ang isang dayuhan dahil sa pagwawala sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Sinabi ni Bureau of Immigration (BI) spokesperson Dana Sandoval, nagtungo sa kanilang opisina ang 31-anyos na babaeng Iranian para alamin ang kalagayan ng kaibigang lalaki na nasa red alert notice.

Matapos na hindi payagan ito ay bigla na lamang siya nagsisigaw at nagwawala.

Nakuha rin sa kaniya ang isang maliit na lata na may nakasulat na “Flash bang” at napag-alaman na lighter pala ito.