-- Advertisements --

Pumanaw na ang 18-anyos na babaeng boksingero na si Jeanette Zacarias Zapata limang araw matapos na ito ay mapatumba sa laban.

Ayon sa anunsiyo ng kampo ng boksingero na hindi na nakayanan ni Zapata ang injury na kaniyang tinamo sa ulo.

Kabilang si Zapata sa GYM Gala International Boxing event sa Montreal kung saan tinalo siya ni Marie Pier Houle sa ikaapat na round sa welterweight match.

Kumbinasyon ng kaliwang uppercut at right hook ang tumama kay Zapata sa anim na round na laban.

Inilabas ito sa ring ng naka-strecher at dinala na sa pagamutan.

-- Advertisement --