-- Advertisements --
Aabot sa 11 katao ang nasawi sa naganap na mass shooting sa Mexico.
Kabilang sa mga menor-de-edad ang namatay at marami ang sugatan sa insidente na nangyari sa Irapuato City.
Itinuturong dahilan ng mga otoridad na awayan ng dalawang gang kaya nangyari ang pamamaril.
Ipinag-utos naman ni Mexican President Claudia Sheinbaum ang masusing imbestigasyon sa nangyaring krimen.