NAGA CITY- Sugatan ang isang babae matapos itong pagtulungang bugbugin ng apat na kababaehan sa Sitio Pantoc Brgy. Ibabang Polo, Pagbilao, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Suzette Jacob, 21-anyos.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), napag-alaman na nasa impluwensya ng alak ang mga suspek na sila Roselyn Husana, Margelyn Husana, Belen Tenaja at Rosalyn Tenaja ng komprontahin ng mga ito ang biktima.

Hanggang sa saktan na ng mga ito si Jacob na nag tamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan.

Napag-alaman na asawa ang biktima ng pinsan ng mga suspek at mayroon itong hindi pagkakaintindihan na nauwi sa nasabing insidente.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad habang pinaghahanap naman ang mga suspek na agad na tumakas matapos ang insidente.