-- Advertisements --

NAGA CITY- Patay ang isang babae matapos makuryente sa Infanta, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Lyca Pantalion Nazario, 40-anyos, residente ng Purok Silahis, Brgy. Tongohin sa naturang bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon, Police Provincial Office, nabatid na nakatanggap na lamang ng impormasyon ang Infanta MPS mula sa Infanta Quick Response Emergency Team hinggil sa pangyayari.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nabatid na nadulas umano ang biktima sa kanilang kusina kung saan nahila nito ang kanilang extension wire na nakadikit sa pader ng kanilang bahay.

Ayon pa sa naging sanaysay ng anak na lalaki Nazario, na dahil sa aksidenteng pagkakahawak nito sa wire, nakuryente ito na nagresulta sa agaran nitong kamatayan.