Handa si House Speaker Alan Peter Cayetano na tumalima ano man ang magiging desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna ng umuugong na pagpalatalsik sa kanya mamaya sa plenary session.
Sa simula pa lamang ayon kay Cayetano ay iginigiit na niya na wala siyang planong hindi sumunod sa posisyon ni Pangulong Dutete sa kung sino ang siyang dapat na maupo bilang Speaker bilang siya naman ang head ng kanilang political coalition.
Tanggap na rin daw niya kung matuloy man ang bali-balitang may magmo-mosyon sa sesyon mamaya na bakantehin ang kanyang posisyon, gayundin ang mga chairman ng komite.
Pero kung sakali namang hindi matuloy, muling binigyan diin ni Cayetano sa mga House leaders na sumusuporta sa sinasabing ouster plot na kusa na lang bakantehin ang hawak na posisyon.
Naniniwala si Cayetano na ginagamit ng mga nasa likod ng sinasabing ouster plot ang iba’t ibang usapin tulad ng franchise renewal application ng ABS-CBN at budget allocations para maisulong ang sariling interes.