Azkals
Azkals/ FB image

Nakuha ng Azkals ang unang panalo 1-0 kontra sa Malaysia sa Southeast Asian Games.

Sa simula pa lang ng laro ay ipinamalas na ng Azkals ang kanilang pagiging agresibo sa laro na ginanap sa Rizal Memorial Football Stadium.

Sa pamamagitan ni Stephan Schrock ay naipasok nito ang goal sa loob ng 72 minuto.

Tinapatan ng Azkals ang pagiging agresibo ng Malaysia sa pamamagitan ni Pinoy goal keeper Anthony Pinthus.

Nakabawi ang Azkals Under-22 sa pagkatalo nila nitong Miyerkules sa Myanmar kung saan buhay pa ang tsansa nila para sa semifinals.

Susunod na makakaharap ng Azkals ang Timor Leste sa darating na Disyembre 4 sa Binan Stadium sa Laguna.