Kinumpirma naman ni Atty. Vic Rodriguez na nasa Australia ngayon si Marcos kasama ang kanyang pamilya.
Aniya nagkaroon din umano ng pag-uusap sa pagitan ng presumptive president at Australian Prime Minister Scott Morrison sa naturang bansa.
Sinabi ni Rodriguez na nagpatahid ng congratulatory message ang pinuno ng bansang Australia kay Marcos.
Pero sinabi naman ng tagapagsalita ni Marcos na private visit ang pagtungo doon ni Marcos para sa magkaroon ng sapat na pahinga matapos ang halalan.
Samantala, ikinokonsidera naman umano ng kampo ni Marcos ang traditional venue ng inagurasyon sa buwan ng Hunyo.
Sinabi ni Rodriguez na isang concern pa rin nila sa pagpili ng venue ay ang pagsunod sa mga health protocols na itinakda ng pamahalaan.
Pero sa ngayon, sinabi ng abogado ni Marcos na hintayin na lamang muna ang pagproklama sa presumptive president bago isapinal ang venue ng inagurasyon.