wilder and fury
Wilder and Fury

Nagpahayag ang gobyerno ng Sydney, Australia na doon gawin ang heavyweight rematch sa pagitan nina Tyson Fury at Deontay Wilder.

Sinabi ng promoter na si Dean Lonergan, na isang lugar na kanilang tinitignan kung saan puwedeng ganapin ang laban ay sa Bankwest Stadium.

Inamin nito na noon pang nakaraang anim na linggo ay nagsumite na ito ng proposal kay Top Rank big boss Bob Arum.

Isa sa suhestiyon nito na gawin ang laban sa Disyembre 26 para sumabay sa kapaskuhan sa US.
Magugunitang tinalo ni Fury si Wilder noong December 2018 sa loob lamang ng pitong round sa laban na ginanap sa Las Vegas.

Hindi naman natuloy ang paghaharap ng dalawa sa Hulyo 18 dahil na rin sa epekto ng coronavirus pandemic.

Nauna rito ibinunyag ni Arum na posibleng gawin ang mga laban sa Macau at sa Las Vegas subalit bukas pa rin sila sa ibang mga lugar para sa rematch ng dalawang boksingero.