-- Advertisements --

Nananatiling underdog para sa mga bettors ang Pinoy ring icon Manny Pacquiao, kontra kay Mario Barrios.

Inaasahan kasi ang paghaharap ng dalawa sa Sabado sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Sa BetMGM, naka-lista si Pacman sa +270, habang si Barrios ay -380 na paborito.

Ibig sabihin, kung tumaya ka ng P1,000 kay Pacquiao at manalo siya, kikita ang bettor ng halos P2,700.

Pero interesting din na may mga sharp bettors o eksperto sa pagtaya na naglagay ng pera sa eight division world champion noong mas mataas pa ang odds niya (4-1), kaya bumaba ang presyo sa 2-1 sa ilang sportsbooks.

Nangangahulugan ito na may tiwala pa rin ang ilan sa kakayahan ni Pacman kahit 46 taong gulang na ito at matagal na panahong walang naging laban.

Narito ang sample bets ngayon sa Las Vegas:

Barrios by KO/TKO: +120
Barrios by decision: +210
Pacquiao by decision: +460
Pacquiao by KO/TKO: +470
Draw: 15-1