Aabot sa 118 na mga Pilipino na mga biktima ng human trafficking ang nailigtas mula sa mga Southeast Asia scam hub.
Ayon sa pamunuan ng Department of Foreign Affairs, ang mga ito ay naghihintay na lamang na makabalik ng bansa sa tulong ng gobyerno ng Pilipinas.
Paliwanag ng ahensya na lagi silang nakahanda sa pagbibigay ng repatriation assistance sa mga biktimang Pilipino.
Wala ring patid ang ahensya sa pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad sa mga bansa kung saan nailigtas ang mga Filipino.
Mula sa naturang bilang , amin na mga Pinoy ay mula sa Cambodia, 75 ang galing sa Myanmar, 7 sa Laos , at 30 sa bansang Thailand.
Labing apat naman mula sa 75 Filipinos na nailigtas sa Myanmar ang nasa ilalim ng proseso ng paglilipat.
Patuloy naman ang panawagan ng ahensya sa mga Filipinos abroad maging sa kanilang mga pamilya na ireport sa kanila kung may kakilala na na trapped sa mga scam hub para mabigyan ng kaukulang tulong.