Pumanaw na ang international boxing referee na si Bruce McTavish sa edad na 84.
Kinumpirma ng kaniyang kaanak ang pagpanaw nito sa Angeles City Pampanga.
Isinilang sa Auckland, New Zealand noong Oktubre 11, 1940 at nabigyan ng citizenship noong 2018 matapos ang 51 taon na paninirahan sa Pilipinas.
Nagtrabaho siya sa Pampanga bilang office manager sa American automobile manufacturer sa Clark bago naging professional referee.
Bilang matagal ng residente ng Pampanga ay napangasawa nito sa Carmen Tayag.
Naging referee ito sa halos 150 na laban kabilang ang laban ni Manny Pacquiao kay dating world champion Oscar Larios noong 2006.
Si McTavish ay three-time Referee of the Year ng World Boxing Council (2013, 2015 at 2017).
Siya rin ang unang referee sa world title fight ng women’s boxing sa pagitan nina Siriporn Thaweesuk at Ayaka Miyano sa Bangkok, Thailand noong 2006.
Nakaratay ang bangkay nito sa Divine Mercy sa Carmenville, Angeles City habang ang libing nito ay sa Hulyo 20.