-- Advertisements --

PENNY WONG

Nakatakdang bumisita sa Pilipinas si Australian Foreign Minister Penny Wong sa susunod na linggo ayon sa ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Si Wong ay nasa bansa mula Nob. 14 hanggang 15.

Magkakaroon ng bilateral meeting sina Wong at Manalo sa Nob. 15 para talakayin ang iba’t ibang larangan ng kooperasyon, gayundin ang kasalukuyang estado ng kanilang bilateral relations.

Ayon sa DFA, tututukan nila ang malakas na pakikipagtulungan sa depensa at seguridad, kooperasyong pangkaunlaran, kooperasyong pandagat, at ugnayan ng mga mamamayan sa Pilipinas at Australia.

Inaasahang tatalakayin din ng dalawang opisyal ang mga isyu sa rehiyon kabilang ang sitwasyon sa West Philippine Sea, ang AUKUS Enhanced Trilateral Security Partnership, ang Quad, at ang pakikipag-ugnayan ng ASEAN-Australia.

Ito ang kauna-unahang pagbisita ni Wong sa bansa mula nang manungkulan noong Mayo 2022 kasunod ng halalan ng Prime Minister Albanese’s Labor Government.