Lalo pang lumakas sa nakalipas na mga oras ang bagyong nasa silangan ng Pilipinas.
Iniulat ng state weather bureau na ang Tropical Storm Sinlaku ay namataan sa layong 2,730 kilometro sa silangan ng Northeastern Mindanao.
May taglay itong maximum sustained winds na 85 kilometro kada oras malapit sa sentro at bugso na umaabot sa 105 kilometro kada oras.
Sa kasalukuyan, halos hindi gumagalaw ang bagyo o nananatiling stationary sa kanyang posisyon habang lumalakas ang taglay na hangin.
Ayon sa mga eksperto, mababa ang posibilidad na direktang makaapekto ito sa kalupaan ng Pilipinas sa mga susunod na araw, ngunit patuloy pa rin itong binabantayan.
Ang Sinlaku ay isa sa mga unang tropical cyclone ngayong taon na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
















