May indikasyon ng posibleng magkaroon ng rollback sa presyo ng langis batay sa apat na araw ng trading ngayong linggo.
Ito ang ipinahayag ni Energy Secretary Sharon Garin.
Gayunman, nilinaw ng Kalihim ang limang araw (Lunes hanggang Biyernes) ang batayan ng opisyal na computation, kaya hinihintay pa ang market closing ngayong gabi bago maglabas ng pinal na anunsyo.
Ayon kay Garin, kung magpapatuloy ang kasalukuyang trend, maaaring magkaroon ng bawas-presyo.
Ngunit posibleng magbago pa ito kung may pagtaas sa presyo sa huling araw ng trading.
Dagdag pa niya, iaanunsyo ang opisyal na adjustment bukas upang maiwasan ang spekulasyon.
Umaasa rin ang DOE na ang posibleng rollback, kasama ang subsidiya mula sa LTFRB, ay makatutulong lalo na sa sektor ng pampublikong transportasyon.
Aminado si Garin na inaasahan din niya ang rollback, na maaaring maging unang magandang balita matapos ang ilang linggong sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng langis.










