-- Advertisements --

Tinatayang aabot sa P170 bilyon kada taon ang mawawalang kita ng pamahalaan kung aalisin ang VAT sa petroleum products.

Ito ang inihayag ni Department of Energy (DOE) Secretary Sharon Garin.

Gayunpaman paliwanag ni Garin, na ang halaga ay maaaring magbago depende sa galaw ng presyo ng langis at sa magiging disenyo ng ipatutupad na polisiya, kung ito ba ay sa pump price, importation, o sa buong supply chain.

Binigyang-diin din ni Garin na ang VAT ay ipinapataw sa ilalim ng batas o National Internal Revenue Code, kaya’t hindi ito maaaring basta alisin ng ehekutibo. 

Aniya, kinakailangan ng aksyon mula sa Kongreso sa pamamagitan ng amyenda sa umiiral na batas upang tuluyang matanggal ang VAT sa produktong petrolyo.

Sa ngayon inaaban tugon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kaugnay sa naging rekumendasyon ng DBCC kaugnay sa excise tax sa langis.