-- Advertisements --

Iniulat ng U.S. State Department ang nakatakdang pagtatatag ng United States at ng Pilipinas ng 4,000-acre (1,620-hectare) industrial hub.

Ito ay kasunod ng pagsama ng Pilipinas sa Pax Silica, isang inisyatiba na pinangungunahan ng Washington, para makakuha ng sapat na Artificial Intelligence (AI) at semiconductor supply chains.

Ayon sa US, ang naturang initiative ay isa sa mga pangunahing economic statecraft strategy ng Trump administration upang hindi lamang ito umaasa sa mga bansang itinuturing ng US bilang rivals o kalaban.

Target din nitong patatagin ang kooperasyon ng US sa mga bansang kinikilala nito bilang allied partners.

Ang Pilipinas ang ika-13 bansa na pumirma sa Pax Silica. Sa ilalim ng naturang programa, target na mapalakas ang supply chain para sa semiconductor, at iba pang critical minerals, habang pinapalawak ang production at manufacturing, at data infrastructure.

Kabilang sa iba pang mga signatory ay ang Australia, Finland, India, Qatar, South Korea ⁠at Singapore.