Nilinaw ni House Justice Committee Chairperson Gerville Luistro na hindi layunin ng impeachment hearings na ipahiya si Vice President Sara Duterte, kundi bahagi ito ng proseso para matukoy kung may probable cause ang reklamo.
Ayon sa mambabatas, tungkulin ng komite na magsagawa ng clarificatory hearings at gumamit ng subpoena kung kinakailangan upang masuri ang ebidensya.
Hindi aniya ito full trial kundi preliminary stage pa lamang ng impeachment process.
Kung makitang may sapat na basehan, isusumite ang reklamo sa plenaryo ng Kamara at maaaring ipasa sa Senado para sa impeachment trial.
Kung ibasura naman, maaari pa ring aprubahan o baligtarin ng plenaryo ang desisyon ng komite.
Binigyang-diin ni Rep. Luistro na ang impeachment ay isang constitutional mechanism ng pananagutan ng mga opisyal sa ilalim ng demokratikong sistema.















