-- Advertisements --

Inihayag ni House Speaker Faustino Dy III na magpapatuloy ang impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte matapos hindi maglabas ng temporary restraining order (TRO) ang Supreme Court of the Philippines.

Ayon kay Dy, iginagalang ng Kamara ang proseso ng Korte Suprema ngunit sa kawalan ng legal na hadlang, ipagpapatuloy ng House of Representatives of the Philippines ang kanilang mandato. Aniya, dadaan ang proseso sa maayos, patas, at evidence-based na pagdinig kung saan maririnig ang lahat ng panig.

Nauna rito, kinumpirma ni Manila 3rd district Rep. Joel Chua na naghain ng petisyon sa Korte Suprema ang kampo ng bise presidente upang pigilan ang impeachment. Gayunman, sinabi niyang walang inilabas na TRO ang korte, kaya tuloy ang nakatakdang pagdinig sa Abril 14.

Sinang-ayunan naman ni REp Chua ang pahayag ni Dy, iginiit na walang hadlang sa pagpapatuloy ng proseso. Binigyang-diin din niya na may buong pagkakataon ang bise presidente na sagutin ang mga alegasyon, habang tiniyak na sinusunod ang due process at transparency sa bawat yugto ng imbestigasyon. (report by Bombo Jai)