-- Advertisements --

Tinapos na ni Trae Young ang kaniyang paglalaro para sa Atlanta Hawks matapos pumayag na mai-trade sa Washington Wizards.

Kapalit ni Young sina CJ McCollum at Corey Kispert.

Umabot sa 7 ½ year ang pananatili ni Young sa Atlanta kung saan minsa na niyang nadala sa eastern conference finals ang naturang koponan (2021)

Bago ang trade ay hawak ng Atlanta ang kartadang 18-21 at pang-siya, sa eastern conference.

Gayonpaman, hindi naging mabunga ang paglalaro ni Young sa nakalipas na sampung game dahil sa 2-8 win-loss record ng koponan sa tuwing naglalaro ang 27-anyos na All-Star guard.

Sa pagsisimula ng kasalukuyang season ay nagtamo siya ng MCL sprain at sumailalim sa ilang serye ng gamutan. Bagaman bumalik na muli sa paglalaro, nananatiling hindi tuloy-tuloy ang kaniyang pananatili sa hardcourt.

Sa loob ng mahigit pitong taon na pananatili ni Young sa Hawks, nagawa niyang maging all-time leader sa 3-pointers (1,295) at assists (4,837).

Sa kabilang banda, hawak ni McCollum ngayong season ang average na 18.8 points, 3.6 assists, 3.5 rebounds, at 45.4%. Siya ang pangunahing scorer ng kulelat na Washington sa loob ng kaniyang pananatili sa naturang koponan .