-- Advertisements --

Pinadapa ng Orlando Magic ang Washington Wizards matapos masungkit ang score na 125-94 noong Sabado sa Washington.

Kung saan nanguna si Paolo Banchero na may 28 points at 11 rebounds, habang nag-ambag si Franz Wagner ng 25 points at Wendell Carter Jr. ng 16 points at 12 rebounds.

Sa second quarter ng laro ramdam na ang bagsik ng Magic matapos makalamang ng 43-21, dahilan upang hindi na makabawi ang Wizards. Umabot sa 75-56 ang lamang ng Orlando sa halftime —pinakamataas nilang points sa unang half ngayong season.

Sa kabilang banda ito na ang ikalawang sunod na panalo ng Magic matapos ang apat na sunod na pagkatalo, at ang ika-11 nilang sunod na panalo laban sa Washington simula pa noong Marso 2023.

Naitala naman ang apat na sunod na talo at limang pagkatalo sa unang anim na laro ng Washington sa kanilang season.