-- Advertisements --

Nauwi sa overtime ang bakbakan sa pagitan ng Detroit Pistons at kulelat na Washington Wizards.

Hindi pinayagan ng Pistons na makalagpas ang Wizards matapos gumawa ang huli ng 35-20 run sa ikatlong quarter para iposte ang 9-point lead. Hinabol naman ito ng Detroit at sa pagtatapos ng 4th quarter ay nagawa ng koponan na iposte ang all-127 score.

Muling naging gitgitan ang OT at nagpumilit ang dalawa na umangat. Isang minuto bago matapos ang OT, hawak pa ng Wizards ang 3-point lead ngunit tuluyan itong nabura hanggang sa maiposte ang all-135, ilang segundo bago matapos ang laban.

Sa pagtatapos ng OT, nagawa ni Pistons forward Javonte Green na magpasok ng isang dunk, at tuluyang tinuldukan ang gitgitang laban.

Sa panalo ng koponan, gumawa ng 46-point triple-double performance ang guard na si Cade Cunningham, kasama ang 12 rebounds at 11 assists.

Nag-ambag naman ng 19 points at 14 rebounds ang sentro ng koponan na si Jalen Duren.

Nasayang naman ang 42 points at 6 rebounds ni Washington shooter CJ McCollum kasama ang 15-15 double-double ng sentrong si Alex Sarr.

Ito na ang ika-sampung pagkatalo ng Wizards ngayong season habang nananatili sa isa ang panalo nito.