-- Advertisements --
Maaring hindi makapaglaro ng hanggang apat na linggo si Atlanta Hawks star Trae Young dahil sa injury.
Ayon sa koponan nagkaroon ito ng sprained medial collateral ligament sa kaniyang kanang tuhod.
Natamo nito ang injury sa laban ng Hawks at Brooklyn Nets noong nakaraang Miyerkules.
Dagdag pa ng Hawks na sasailalim muna ito ng medical evaluation matapos ang apat na buwan bago payagang makapaglaro muli.
		
			
        















