Hartsfield Jackson Airport
Hartsfield Jackson Airport

Napanatili ng Hartsfield–Jackson International Airport sa Atlanta ang pagiging busiest airport sa buong mundo.

Base sa Airport Council International, mayroong 107.4 million mahigit na pasahero ang bumabiiyahe sa nasabing paliparan.

Kasama rin sa inilabas na World Airport Traffic Report ang Beijing Capital International Aiport na nasa pangalawang puwesto at Dubai International Aiport na nasa pangatlong puwesto.

Ang tatlong nabanggit na paliparan ay hawak pa rin ang puwesto sa noong nakaraang taon.

Sa kabuuan ay mayroong mahigit 8.8 billion pasahero ang gumagamit ng paliparan sa buong mundo.