Reading Time: 1 minute

ILOILO CITY – Patay ang assistant manager ng isang fastfood chain sa Iloilo matapos sinaksak sa ulo sa loob mismo ng kanyang silid sa Purok 4, Pavia, Iloilo.

Ang biktima ay kinilalang si Eira Jane Fabiana, 22-anyos na residente ng nasabing lugar.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Lieutenant Colonel Hilarion Roga, pinuno ng Scene of the Crime Operatives, sinabi nito na wala nang saplot sa ibabang bahagi ng kanyang katawan ang biktima nang matagpuan sa kanyang kama.

Ayon kay Roga, halos basag din ang likurang bahagi ng bungo ng biktima kung saan maaaring minartilyo ito ng suspek.

May nakita rin aniyang pubic hair sa kama ng biktima kung saan isasailalim ito sa laboratory test.

Isa sa mga tinitingnang anggulo ayon kay Roga, ay posibleng ginahasa ang biktima.

Ani Roga, patuloy ang kanilang imbestigasyon sa krimen lalo na’t napag-alaman na walang forcible entry sa pinangyarihan ng insidente.