Ipinagpaliban sa buwan ng Oktubre ang ASEAN Para Games dahil sa banta pa rin ng coronavirus-19 o COVID-19.

Ito mismo ang inanunsiyo ng ASEAN Para Sports Federation na ito ay unang naka-schedule sa Marso 21 hanggang 27.

Ayon pa sa grupo, na kapag tuluyan ng nawala ang COVID-19 at wala ng banta ito sa tao ay itutuloy na ang torneo sa Oktubre 3-9.

Ang desisyon ay napagkasunduan sa isinagawang video conference ng National Paralympic Committee na pinamumunuan ni president Michael Barredo.

Muling magpupulong ang board sa darating na Hulyo 2020 para matignan ang sitwasyon.