-- Advertisements --

Nakatakdang maging ika-11 member state at ganap ng miyembro ng Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) ang Timor-Leste sa susunod na regional meeting sa Kuala Lumpur, Malaysia ngayong taon.

Inanunsiyo ito ni Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim na tumatayong chairman ng ASEAN ngayong 2025 sa isang press conference.

Aniya, magiging ganap nang miyembro ng regional organization ang Timor-Leste sa ASEAN meeting na gaganapin sa buwan ng Oktubre.

Subalit nilinaw naman ni Anwar na subject pa ang bansa sa pagtupad nito sa isa o dalawa pang kondisyon sa ilalim ng economic pillar.

Saad din ng opisyal na nakamit na ng ASEAN ang real consensus sa Timor-Leste matapos ang maraming yugto ng mga negosasyon.

Matatandaan, una ng kinilala ng United Nation ang Timor-Leste noong 2002 at pormal na nag-applyang bansa para sa membership nito sa ASEAN noong 2011.

Sa kasalukuyan, mayroong 10 member states ang ASEAN kabilang ang Singapore, Malaysia, Indonesia, Brunei, Thailand, Vietnam, Cambodia, Laos, Myanmar at Philippines.