-- Advertisements --
Nilagdaan na ng mga ASEAN Law Ministers ang isang kasunduan na magpapatibay sa ASEAN Treaty on Extradition.
Layon nito na tugunan ang tumataas na kaso ng krimen at human trafficking na nagaganap
Nagkasundo ang mga miyembro ng ASEAN na magkaroon ng parehong patakaran para sa extradition.
Para sa ASEAN member states, mahalagang hakbang ito tungo sa pagpapaigting ng kooperasyon sa rehiyon sa paglaban sa krimen at pagtiyak ng pananagutan sa labas ng mga hangganan.
Pinagtitibay ng kasunduan ang commitment ng ASEAN sa pagpapalakas ng legal cooperation, criminal accountability at pagbabantay ng kapayapaan at seguridad sa rehiyon.
Ang ASEAN Treaty on Extradition ay tugon ng ASEAN sa harap ng tumataas na cross-border crimes at human-mobility.
















