-- Advertisements --

Nanawagan ngayon si Pangulong Rodrigo Duterte ng kooperasyon sa mga member-states ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa paglaban sa COVID-19 pandemic.

Ginawa ni Pangulong Duterte ang mensahe sa paggunita ng ika-53 anibersaryo ng ASEAN ngayong araw.

Sinabi ni Pangulong Duterte, mabigat at mahirap na trabaho ang pagbangon mula sa pandemic pero kung pinagtulungan at sama-samang balikatin, magiging oportunidad ito para lalo pang mapatatag ang Southeast Asia region.

Ayon kay Pangulong Duterte, dapat manatiling magkaisa at patuloy na magtutulungan bilang isang ASEAN at palakasin ang partnerships sa mga kaibigan sa loob at labas ng rehiyon.

Kumpiyansa umano si Pangulong Duterte na ang ugnayan sa ASEAN at mutual aid ay malaking bagay para malagpasan ang COVID-19 pandemic at makabawi ng sama-sama.

“With deeper sense of common purpose, we will continue to work together as one ASEAN and strengthen partnerships with friends within and outside the region,” ani Pangulong Duterte.

“We are confident that the ASEAN way of partnership and mutual aid will help us overcome the COVID-19 pandemic and move forward with our community-building endeavors.

Ang ASEAN ay naitatag noong 1967 na kinabibilangan na ngayon ng Pilipinas, Cambodia, Brunei Darussalam, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand, at Vietnam.