-- Advertisements --

Nanawagan si Transportation Secretary Vince Dizon sa publiko na irespeto ang mga pamilya ng nasawi at nasaktan sa pag-araro sa Ninoy Aquino International Airport.

Sinabi ng kalihim na kung maari ay huwag ng ikalat ang mga video para lamang makalikom ng mga views.

Hindi aniya nakakatulong sa pamilya at mga biktima ang nasabing pagpapakalat ng mga video ng insidente.

Magugunitang mayroong dalawang katao ang nasawi matapos na sagasaan sila ng isang SUV nitong umaga ng Linggo.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad ukol sa nasabing insidente.