Pinabulaanan ng Commission on Elections (COMELEC) ang kumakalat ngayon sa social media na impormasyon na kung wala raw National ID, hindi makaboboto sa Mayo 12.
“No National ID, No Vote” yan ang mismong nakalagay sa kumakalat na social media post na ginamit pa ang logo ng COMELEC
Ayon sa poll body, hindi ito totoo at hindi ito nanggaling sa kanila. Paglilinaw ng komisyon, kakailanganin lamang na magpakita ng valid ID kung ang kanilang identidad ay hindi ma-verify gamit ang Election Day Computerized Voters List (EDCVL).
“It was not posted on the official and verified social media channels of the COMELEC on any social media platform, Voters will only be asked to present a valid ID in case their identity cannot be verified through the Election Day Computerized Voters’ List (EDCVL),” pagpapaliwanag ng komisyon patungkol sa impormasyon.
Dagdag pa ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia, hindi kinakailangan ng kahit anong ID para makaboto ngayong darating na Mayo 12.