Nanawagan ang Malakanyang sa mga kritiko na huwag naman bigyan ng malisya ang apat na araw na libreng sakay sa LRT 1, LRT 2 at MRT 3.
Ayon kay Palace Press Office Claire Castro na hayaan sanang makinabang ang taumbayan sa tulong na maaaring ibigay ng gobyerno sa kanila.
Ipinaliwanag rin ni Castro kung bakit hindi isang araw lang ang libreng sakay gaya nang nakagawian sa katwirang holiday kasi ang May 1.
Sa mga nagsasabing panahon ng eleksyon, iginiit ng Palasyo na nataon lang dahil panahon rin ng selebrasyon ng Labor Day.
Iniutos ni Pang Ferdinand Marcos Jr. ang libreng sakay sa tatlong train systems mula April 30 hanggang May 3 bilang pagkilala sa ambag ng mga manggagawa sa ekonomiya at sa lipunan.
Samantala, kahapon mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang nag-anunsiyo na ipinag-utos nito na gawing libre ang sakay sa LRT at MRT.
Ito ay bilang pagkilala sa ambag ng mga mangagawa sa pamahalaan partikular sa ekonomiya ng bansa.
Magsisimula ngayong araw ang libreng sakay at magtatapos ito hanggang May 3,2025.