-- Advertisements --

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na patuloy na ilalapit ng gobyerno ang trabaho para sa mga job seekers.

Dahil dito, ipinag utos ng Pangulo sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagsasagawa ng job fair kada buwan, upang maitaas ang bilang ng mga Pilipinong mayroong trabaho.

Ipinagmalaki din ng Pangulo na mula July, 2022 hanggang February, 2025, nasa higit 4, 000 job fairs na ang nagawa ng gobyerno, na nilahukan ng higit isang milyong Pilipino kung saan halos 170,000 ang hired on the spot.

Binigyang-diin ng pangulo na sa pagdiriwang ng labor Day hindi lamang basta job fair ang ipinatutupad ng Marcos Administration.

Nilalagyan na rin aniya nila ito ng One Stop Shop, kung saan ang serbisyo ng gobyerno na kakailanganin ng job seekers ay inilapit na rin sa publiko.

Sa pakikipagtulungan na rin ito ng iba pang government offices, tulad ng BIR, NBI, PSA, PRC, SSS, PAGIBIG, at PhilHealth.

Sabi ng pangulo, batid ng gobyerno ang pangangailangan na maging matatag ang pundasyon ng mga manggagawa.