Ipinag-utos ng korte sa South Korea sa pag-aresto sa asawa ng nakakulong na dating pangulong Yoon Suk Yeol.
Naglabas na ng arrest warrant ang Seoul Central District Court laban kay Kim Keon Hee kung saan nahaharap ito sa iba’t-ibang krimen gaya ng bribery, stock manipulation at pakikialam sa pagpili ng mga kandidato.
Ang pag-iimbestiga kay Kim ay bahagi ng isa sa tatlong special prosecutor na naglunsad ng imbestigasyon sa ilalim ng bagong liberal government na target ang pagkapangulo ni Yoon.
Si Yoon ay tinanggal sa puwesto noong ABril at muling naaresto noong Hulyo matapos ang pagpapatupad nito ng panandaliang martial law noong Disyembre.
Hindi nagbigay pa ng pahayag si Kim noong dumalo ito sa korte at nasa kustodiya na siya sa detention center sa southern Seoul na hiwalay sa kulungan ni Yoon.