Pacquiao Thurman Fight 1
Pacquiao vs. Thurman

Nababahala umano ang beteranong boxing promoter na si Bob Arum na baka magkaroon ng brain damage si Manny Pacquiao sa pagharap niya kay WBA welterweight champion Keith Thurman sa Las Vegas sa susunod na buwan.

Ayon sa 87-anyos na Top Rank CEO, ang edad na ng fighting senator na 41-anyos ay malayo na ang performance kumpara noong nakaraang 10 taon.

Nilinaw naman nito na kay Pacquiao pa rin siya pumapanig subalit pinangangambahan nito ang edad ng fighting senator.

Suhestiyon pa ni Arum, dapat sa edad ni Pacquiao ay napapanahon na ito ay magretiro na.

Kung maaalala si Pacquiao ay humiwalay na Top Rank ni Arum at nasa ilalim na kay Al Haymon na malapit naman kay Floyd Mayweather Jr.