Arestado ang isang sundalo na miyembro ng Philippine Army (PA) dahil sa umano’y gunrunning activities sa ikinasang operasyon ng PNP sa Cebu City nuong Biyernes.
Ayon kay PNP Chief Gen. Dionardo Carlos, ang pagkakahuli sa nasabing sundalo ay bahagi ng aggressive campaign ng Pambansang Pulisya laban sa illegal firearms at para matiyak ang peaceful and orderly National and Local Elections sa May 2022.
Kinilala ni PNP Chief ang nahuling sundalo na si Staff Sergeant Cristobal “Chris” Pantoja, 46-anyos, residente ng Brgy. Cambanay, Danao City.
Naaresto ang suspek sa ikinasang buy-bust operation laban sa loose firearms na inilunsad ng mga otoridad sa may bahagi ng Kamagong Range Parking Area, VISCOM sa Cebu City.
Si Pantoja ay naka destino sa 7th Regional Community Defense Group, Reserve Command (7RCDG, ARESCOM), Special Service.
Nakumpiska sa kaniyang posisyon ang dalawang units ng 5.56mm rifles, three caliber .45 pistols, three caliber .45 magazines, at dalawang piraso ng firearms silencer.
“Appropriate charges will be filed against the suspect for violation of sections 28 and 32 of Republic Act 10591. While confiscated firearms will be submitted to the Regional Forensic Group 7 for ballistics examination,” pahayag ni PNP Chief Gen. Carlos .
Babala naman ni PNP chief sa mga uniformed personnel na sangkot sa gunrunning activities tiyak mananagot ang mga ito sa batas.
Binigyang-diin ni Carlos na palalakasin pa ng PNP ang kanilang kampanya laban sa ibat ibang illegal activities.