-- Advertisements --
image 138

Inihayag ng Armed Forces of the Philippines na wala pang namonitor na banta sa seguridad sa ngayon sa bansa habang nalalapit ang Pasko.

Ayon kay AFP spokesperson Colonel Medel Aguilar, humina ang kapasidad ng Communist Party of the Philippines (CPP) dahilan para mapigilan ang rebeldeng grupo na magsagawa ng pag-atake.

Dagdag pa ng opisyal na aagapay ang AFP sa Philippine National Police (PNP) na siyang nangunguna sa pagdating sa pagsasagawa ng security operations at paghahanda para sa holiday season.

Samantala, iniulat din ng opisyal na mayroon pang 154 barangays ang nananatiling apektado ng communist armed conflict.

Kayat puspusan ang isinasagawang military operations ng AFP para malinis pa ang mga nalalabing apektadong mga lugar upang mabigyan ng angkop na intervention para matugunan ang punot dulo ng kaguluhan.

Una ng sinabi ng AFP official na hindi sila magdedeklara ng ceasefire sa CPP-NPA para sa Christmas season matapos na humina ang pwersa ng rebeldeng grupo kung saan nasa limang aktibong guerilla fronts na lamang ang mayroon sa kasalukuyan.