Inihatid na sa kanyang huling hantungan ang football legend na si Diego Maradona.

Tanging mga kaanak at malalapit na kaibigan lamang ni Maradona ang nakadalo sa pribadong seremonya.

Ngunit bago ito, bumuhos ang libu-libong katao upang masilayan sa huling pagkakataon ang namayapang football icon.

Nagkaroon din ng tensyon sa pagitan ng mga pulis at ng mga nagluluksang fans nang tangkain ng mga ito na isara ang palasyo kung saan nakaburol si Maradona.

May lumabas ding mga ulat na ginagamitan na raw ng tear gas at rubber bullets ang mga nakipaglamay dahil sa hirap daw ang mga otoridad na mapigilan ang mga tao.

Nitong nakalipas na araw nang bawian ng buhay si Maradona sa edad na 60-anyos dahil sa atake sa puso. (BBC)