-- Advertisements --

Hinimok ni Manila Archbishop His Eminence Jose Cardinal Advinula ang mga Catholic faithful na hindi pa huli para magbalik-loob sa Panginoon.

Sa homily ng Arsobispo kaniyang binigyang-diin na gaano man kapalpak ang isang indibidwal hindi pa rin ito huli para humingi ng kapatawaran at magbalik-loob sa Panginoong Jesus.

Dagdag pa nito ang Holy Week ay panahon para mapagnilay-nilayan ang mga pagkakamaling nagawa, humingi ng kapatawaran sa Panginoon.

Ang Semana Santa ay panahon upang pagtibayin muli ang paniniwala at dedikasyon na pagsilbihan at
sumunod sa utos ng Panginoon.

Ayon pa sa Arsobispo, minsan nakakalimutan natin ang Panginoon dahil sa mga pagsubok na dumarating sa buhay.

Aniya kung nagkamali man ay humingi ng kapatawaran at magbalik loob sa Diyos.

Inihalimbawa ni Archbishop Advincula na maging ang mga disipolo ng Panginoong Hesus ay nahihirapan sa pagiging loyal sa kaniya, subalit ng sila ay nagkamali humingi ito ng kapatawaran.

Ipinunto ng Arsobispo na hindi natutukoy ang mga pagkakamali kundi kundi kung paano natin ito hinaharap.

Umaasa naman ang arsobispo na ngayong Semana Santa naway maranasan ng lahat ang kabaitan ng Panginoong Diyos at aminin ang mga pagkakamali at sumonod sa Panginoon.