Ginawa ng papremyo ng ilang arcade center sa Taiwan ang ilang mga medical products.

Makikita sa ilang mga maglalaro ng claw machine ay makakakuha sila ng mga premyo gaya ng surgical mask at hand sanitizers.

Hindi naman sang-ayon ang ilang mambabatas ng Taipei dahil isa itong uri ng paglabag sa fair trade law.

Mapapatawan ng hanggang $66,000 ang mga mahuhuling lalabag sa nasabing unfair trade law.

Sa kasalukuyan kasi ay mayroong 10 kaso ng novel coronavirus sa nasabing bansa.