Bumaba ang approval ratings nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa ikatlong quarter ng 2023.
Ayon sa survey ng Pulse Asia na nasa 65% ang approval rating ni Marcos noong Setyembre, bumaba mula sa 80% noong Hunyo.
Samantala, nasa 73% ang approval rating ni Duterte noong Setyembre, na mas mababa rin sa kanyang rating na 84% noong Hunyo.
Sa kabila ng pagpapanatili ng majority approval sa national level at sa iba’t ibang rehiyon at socio-economic class, ang Pangulo at Bise Presidente ay nakaranas ng makabuluhang pagguho o pagbaba sa kanilang mga approval rating mula Hunyo hanggang Setyembre 2023.
Isinagawa ng Pulse Asia ang nationwide survey mula Setyembre 10 hanggang 14, na kinabibilangan ng 1,200 matatanda na may edad 18 pataas.