Anthony Joshua
Anthony Joshua/ IG post

Pinabulaanan ni Anthony Joshua na dumanas ito ng panic attack matapos ang pagkatalo niya kay Andy Ruiz Jr.

Ayon sa dating heavyweight champion, wala itong anumang naranasan sa naging laban sa New York.

Itinanggi rin nito na nakaranas siya ng food poisoning kaya ito natalo.

Tinanggap din nito ng buo na kasalanan kaya ito natalo.

Wala rin aniya siyang sinumang sinisisi rito.

Plano naman ni boxing promoter Eddie Hearn na magkaroon ng rematch ang dalawa sa Nobyembre o Disyembre kung saan target ni Joshua na mabawi ang WBA, WBO, IBF at IBO title mula kay Ruiz na siyang naging kauna-unahang heavyweight boxing champion ng Mexico.